Über Pahina
Ang mga tanong na madalas maglaro sa ating isipan, ""Ano bang silbi ko?"", ""Ba't ang unfair ng life?"", ""Ano bang klaseng buhay to?"", ""Hanggang kailan kaya matatapos ang mga pagsubok at problema?"". Kaakibat ng mga katanungang ito, tugunin at harapin ang hamon ng sariling pagkakakilanlan. Kilalanin rin natin ng lubos ang ating mga dakilang Ina't Ama. Sipiin ang transisyon ng buhay kabataan, masusing unawain ng mas malalim ang mundo ng mga matatanda, at damahin ang katauhan ng bawat indibidwal na buong kagitingang humaharap sa laban ng buhay. Alay ng inyong lingkod na may akda ang isang aklat na magbibigay ng taos pusong inspirasyon at positibong realisasyon. Naglalaman ito ng makahulugang paglalahad na magsisilbing gabay at kabanatang magpapakilala sa mga tauhang nakapaloob sa bawat istorya. Ang higit kong layunin sa paglikha ng akdang ito'y upang maghatid ng pag-asa at kaliwanagan sa tunay na depinisyon ng buhay na siyang ipinagkaloob ng Diyos para sa atin.
Pahina is a one-of-a-kind book that entails the definition of life-its deep meaning, realization, and value. A sensible narration with substantial knowledge and moral lessons. This book aims to give inspiration morally and spiritually.
Mehr anzeigen